“Makinig ka sa akin. Iyong babaeng kasama siya sa loob ay fiancé ko. Kailangan ko siyang makuha. Kailangan ko siyang mabawi. Tulungan mo ako… please, ppasukin mo akon. Kailangan ko si Hannah. At alam kong hinahanap niya rin ako. Ikinulong siya diyan nang CEO mo, nang amo mo. Tulungan mo ako,” pagmama kaawa ko sa kanya. Pero mukhang pati ang security guard ay nagta taka rin sa aking mga sinabi sabi. Parang hindi din siya mapaniwala na ganun ang ginawa nang amo niya. “Saglit lang po ha… tatawagin ko lang ang aking amo,” sabi niya sa akin. “Hindi… huwag na, hayaan mo nalang ako makapasok, pangako hindi ako pumunta dito para makigulo. Andito ako para bawiin langa ng taong mahal ko,” sabi ko sa kanya. “Eh… sir… gusto ko man gawin o tulungan ka kaso isa akong trabahante dito sa bah

