Hindi na niya itinuon ang pansin sa akin. Itinago niyang muli ang kanyang baril at naglakad papunta kay Hannah. “Babalik ako Hannah. Pangako,” sabi ni Marcos sa kanya. Sabay binigyan siya nang halik sa kanyang noo. Tumingin siyang muli sa akin. “Babalik ako at hinding-hindi siya mapupunta sa iyo tandaan mo yan,” sabi niya sa akin. Sabay umalis na siya dit sa loob nan gaming kwarto. Napahinga ko nang malalim at hinawakan ko ang aking dibdib. Masyadong delikado ang taong iyon. Dapat siguro mas maging maingat ako sa kanya. Hindi kam ligtas dito kung mananatili pa kami dito sa loob nang hospital. Kailangan na namin umalis. Tinawagan ko na ang aking secretary at sinabi ko na mgapadala nang dalawang personnel dito sa hospital dahil kailangan ko nang ilabas si Hannah dito

