Ang lakas naman nang loob nang babaeng iyon. Natatandaan ko na lahat, lahat din nang sinabi niya sa akin noong nasa loob kami nang company, kaya pala sinabihan niya ako na huwag na ako mag panggang na parang wala akong naalala, akala ko ay mukha lang siyang baliw noong mga oras na iyon o baka naka shabu. Totoo naman pala ang sinabi niya sa akin na huwag akong mag panggap na parang naalala, paano ko naman siya sasagutin eh wala naman talaga akong maaala noong mga araw na iyon. Pag ka tapos nang pag uusap namin sa sala kanina ay mabuti nalang at inawat kami ni Grayson dahil kung hindi ay baka nahampas ko na siya nang plato kanina. Umakyat na ako dito sa kwarto at naisip ko na mag pahinga nalang, humiga ako sa kama at huminga nang malalim para makapag isip kung ano ang gagawin kong hakbang pa

