“Ano ang kailangan niyo sir? May maitutulong ba kami?” tanong ko sa kanya. “Ikaw ba si Marcos Jacob?” tanong niya sa aking pangalan. Hindi na ako sumagot. Lumabas ako at isinara ko ang pinto. “Anong kailangan mo?” tanong ko sa kanya. “Ikaw nga,” sagot niya sa akin. Inilabas niya ang kanyang baril sa kanyang holster at itinutok sa aking tagiliran. “Alam mo bang kailangan kong dalhin ang ulo mo sa pamilyang lopez?” sabi niya sa akin. Bigla kong naaala ang sinabi sa akin ni Clay na pinag hahanap ako nang mga pamilyang Lopez dahil sa nagawa kong pinsala sa kanila. Isang kahihiyan. “Sumama ka nang payapa at hindi ko idadamay ang mag ina mo sa loob,” sabi niya sa akin. Nagulat ako. Paano niya nalaman ang patungkol sa amin ni Kiana. “Lakad na!” utos niya sa akin sabay

