Mabilis pang lumipas ang dalawang buwan at gano'n pa rin ang trato sa kanya ni Kenneth. Papansinin lang siya nito kapag kailangan siya nitong paakyatin sa itaas para gamitin. Yes, alam niyang nagtataka na ito kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nabubuntis. Kinabukasan ay nagulat siya nang may ipatawag itong doktor para i-check siya kung anong problema. "It seems that the patient is in a very healthy condition, wala akong nakikitang problema sa kanya." Dinig niyang paliwanag ng kausap nitong doktor kay Kenneth. Pagkatapos kasi siyang ma-examine ay agad na siyang pinaalis ng lalaki. "Then, bakit hindi pa rin siya nabubuntis hanggang ngayon?" Takang-tanong nito. "I don't want to sound unrespectful pero, if you want pwede rin kaming magsagawa ng test sa---" "I don't think th

