"James, I need to get out of here" Sabi niya rito nang dumating ito kinabukasan. "What do you mean?" "Pupunta ko ng US. James, please tulungan mo akong makakuha ng mabilis na ticket" "But why? Tell me Eli, what's goin on?" "Si Kenneth, galing siya rito kahapon. Kukunin niya ang anak ko. Please, James" Umiiyak na sabi niya rito. Hindi niya mapapayagan na kuhanin nito ang anak niya. Sa buong buhay niya wala siyang ibang hinangad kung hindi bigyan siya ng pagmamahal ng mga taong mahal niya. Pero ngayon na magkakaanak na siya hindi siya makakapayag na kunin pa ito sa kan'ya. Agad siyang niyakap nito. "Don't worry princess, I'm here remember? Sasamahan kita. Hindi kita iiwan" Pangako nito sa kan'ya. Kinabukasan ay nakakuha agad ng ticket si James para sa kanilang dalawa. 2 days from n

