Vince’s Point of View
-July 20, 2024-
Nag iingay naman ang mga infected ngunit hindi ito sapat para makuha nila ang atensyon ng iba. Hindi na ako gumamit ng baril dahil ang mga normal na infected naman ay madaling mapatumba dahil nabawasan na ang kanilang talino, hindi katulad nung sila ay isang normal na tao lamang.
Mabuti na lamang ay trained ako sa pakikipaglaban kaya naging madali naman sa akin ang patumbahin sila.
Nang mapatumba ko na ang huling infected na nilabanan ay nilingon ko naman sila upang kamustahin ang kanilang ginagawa.
Nakita ko naman na kaagad naharangan ng doktor ang mga posibleng entrance sa building ngunit ilang taon na ang nakakalipas kaya sigurado ako na hindi na dumadaloy ang kuryente sa infrastructure na ito.
Napakadilim dahil gabi at wala na ako halos makita. Mabuti na lamang ay nagdala ako ng flashlight. Tinakpan kaagad ng doktor ang mga pwedeng pasukan ng liwanag galing sa buwan.
Bawat isa naman sa kanila ay may hawak na flash light.
Nang naglakad ako pabalik sa kanila ay napansin ko naman na nakanganga si Ellis.
“Anong problema?” tanong ko sa kaniya, at parang nagitla siya nung nagsalita ako. Kaagad naman siyang tumingin sa akin at nang makita niyang ako yun, unti unti niya namang ini angat ang kaniyang kamay at itinuro ang doktor.
Alam ko na kung bakit.
Tumingin ako kay Elle.
Nagkibit balikat lang siya sa akin, mukhang hindi pa nga nakakakita ng mga variants ang batang ito. Hinawakan ko siya sa balikat.
“Ellis, infected kaming dalawa,” pag aamin ko sa kaniya at napaatras naman siya, nang marinig niya iyon. “Hindi, hindi, infected kami pero hindi kami magiging zombie,” wika ko sa kaniya.
“Ayaw mo pa kasing deretsuhin pambabara naman ni Elle sa akin,” at napatingin na lamang ako sa kaniya.
“May kakaiba kaming kapangyarihan na nakuha imbes na maging halimaw,” dagdag ko pa at mukhang nakalma naman siya sa aking sinabi.
“H- humaba a- ang k- kaniyang kamay,” natatarantang wika niya at naiintindihan ko kung bakit ganito ang kaniyang reaksyon.
“Hindi mo ako maiintindihan kahit ipaliwanag ko sa iyo pero ang virus ay binigyan siya ng ganiyang abilidad,” wika ko sa kaniya. “Huwag ka ng matakot dahil iyan ang makakatulong sa kapatid mo para mailigtas siya,” pagpapanatag ko naman sa kaniyang kalooban.
“Talaga po?” tanong niya at tumango naman ako sa kaniya.
“Tara na at hinihintay tayo ng kapatid mo,” aya ko sa kaniya at nagsimula naman ako maglakad upang hanapin ang hagdan paakyat. Honestly, nahirapan naman ako dahil sa madilim ang paligid pero nahanap ko naman ito.
Malawak ang bawat palapag at madali naman naming naiwasan ang mga infected dahil sa madilim ang paligid at pinatay na namin ang aming mga flash light dahil ginawa naming gabay ang liwanag na nanggagaling sa buwan upang makatawid.
Nakarating kami ng ika sampung palapag na walang kaproble problema at kada palapag na nalalampasan naman namin ay namamangha ako sa batang ito kung paano niya nagawang makatakas.
“Bakit ba kayo napunta dito?” tanong ko sa kaniya.
“Pagkain,” tipid na wika niya.
Naiintindihan ko kung bakit.
Nakipag sapalaran sila. I respect that kid. I am very amazed on what you did at ngayon ay tutulungan natin ang kapatid mo.
May pinatay naman akong infected na nakatambay sa may hagdanan paakyat sa ikalabing isa na palapag.
Ngunit sa may tuktok naman ng hagdanan, ay may nakita ako na parang isang anino na nakasilip sa amin.
“Sino iyan?” tanong ko sa aninong iyon. Dahil sa madilim ay hindi ko nakita kung sino iyon at kaagad siyang tumakbo palayo sa amin nung tinanong ko siya.
“Zoey?” iyon naman ang nabanggit ng kaniyang kapatid at kaagad siyang tumakbo pero kaagad naman siyang napigilan ng doktor.
“Huwag kang hihiwalay sa amin,” wika ng doktor sa kaniya.
Takot namang tumingin sa kaniya ang bata at lumingon siya sa direksyon na iyon. Hindi ko talaga mapigilan kung na maawa sa kaniya.
“Ako na ang pupunta,” boluntaryong pagkakasabi ko. “Huwag kang mag alala,” pagpapanatag ko sa kaniya. Bata pa lamang ang batang ito at nakikita ko naman ang aking sarili sa kaniya, dahil nasa murang edad ay kailangan nang mapagdaanan ang ganitong mga bagay.
Umakyat naman ako sa hagdan upang mapakalma ko si Ellis, ito lamang ang naiisip kong paraan para malaman kung sino mang ang sumilip na iyon sa taas. Dahan dahan akong umakyat dahil nakakarinig ako ng mga ungol ng mga infecteds. Weird, paano siya nakadaan ng hindi niya nakukuha ang atensyon ng mga halimaw na ito na gutom na gutom sa laman ng tao.
Kailangan ko pa sila patayin, para lamang ako ay makadaan.
Nang marating ko naman ang ika labindalwang palapag ay nakita ko pa naman itong umakyat. Hindi ko ito agad na hinabol at binalikan ko naman sila.
“Tara,” aya ko sa kanila at hindi ko na sila hinintay pa. Icle clear ko na ang daan para sa kanila. Binunot ko si Luna, at nagsimula kong laslasin ang leeg ng mga infected na aking nadadaanan.
Narating ko ang 13th floor, ngunit hindi ko na nakita ang misteryosong bata?
Hula ko lamang iyon, dahil ang tangkad nung anino ay parang sa bata lamang.
Malay mo unano lamang.
Well, there is no way but to find out in the 14th floor and strangely enough walang infected sa palapag na ito. Baka naattract na nung may nangyaring gulo dito nung tumakas sila.
Saka may abnormal infected daw silang naengkwentro.
Madilim ang lugar kaya kahit wala akong nakikita na kung anumang nakatayo sa palapag na ito ay magiging unpredictable ang bawat susunod na mangyayari. Lahat ng bangkay ay aking tinitingnan at isa isa ko itong nilapitan. Tinadyakan ko ang ulo para masigurado na patay na sila.
I need to be sure.
May narinig akong hikbi at naririnig ko naman ang yabag sa aking likuran at sigurado naman ako na nanggagaling ito sa doktor at sa mga kasama niya.
“Zoey?” tanong ko.
Nagpatuloy pa rin ito sa kaniyang paghikbi. Dahan dahan akong naglakad papunta sa pintuang iyon at hindi ko naman maiwasan na maalala ang aking kapatid at ako na nakakulong sa isang wardrobe.
Napatigil ako dahil sa ala alang iyon.
Masakit pero kailangan kong magpatuloy. Nagtuloy tuloy ako... Nang marating ko ang harap ng silid na iyon. Ay hinawakan ko ang door knob, at dahan dahan kong binuksan ang pinto. Minax ko ang liwanag ng flash light.
“Zoey, andito na kapatid mo,” wika ko at itinutok ko naman ang liwanag ng flash light sa aninong iyon. Baka si Zoey nga yung nakita ko kanina.
Nakayakap siya sa kaniyang mga tuhod habang siya ay umiiyak, kaya dahan dahan akong naglakad papunta sa kaniya.
Nang mapansin niya naman ang aking presensya at ang liwanag ng flash light, ay napatigil siya sa paghikbi. Unti unti niyang inangat ang kaniyang ulo.
“Zoey tara na,” tawag ko sa kaniya bago niya pa ako lingunin. “Andito kuya mong si Ellis oh,” dagdag ko pa.
Ngunit may napansin akong kakaiba sa kulay ng kaniyang balat.
Kulay gray.
Nang malingon niya ako ay napaatras ako, nang makita ko ang itsura niya. Puting puti ang kaniyang mga mata at hindi ko makita kaniyang iris. Ang kaniyang bunganga, wakwak na. Punit na punit na ang laman ng kaniyang cheeks.
Patuloy pa rin siya sa pag iyak.
“Papa?” wika nito, at imbis na matakot ako ay lalo akong napatigil sa aking paggalaw. Awa ang aking naramdaman sa aking dibdib.
Gusto ko yakapin ang infected na ito.
Pero naputol naman ang aking naiisip nang makita ko siyang na nagtitwitch, na para bang may isa siyang epilepsy.
At ayun, kaagad siyang nagtunog na isa siyang infected.
“Kreeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeh!” nakakabinging sigaw nito. Mas malakas pa sa wang wang ng ambulansya. Hindi ito tumitigil. Sigurado ako na abot ito ng ilang palapag.
Hindi maganda ito, kaya pinilit ko naman na makalapit sa kaniya, at kahit nakakabingi ang kaniyang sigaw. Ay tinanggal ko ang pagkakatakip ng aking mga kamay sa aking mga tenga at hinawakan ko ang kaniyang ulo.
Tinwist ko ito.
At tumigil naman ito sa pagsigaw at bumagsak naman ang walang buhay na katawan ng infected na ito.
“Ano iyon?” narinig ko naman ang boses ni Elle sa aking likuran. Tumayo ako tinutok ko ang flash light sa bangkay ng infected na ito.
Nakita ko naman nanlaki ang mata ni Ellis.
“Yan po, yan po ang sinasabi ko sa inyo na hindi normal na zombie,” wika niya. Ito? Oo nga naman sa itsura pa lang at ang lakas ng kaniyang boses.
“Hindi ito ang kapatid mo?” tanong ko sa kaniya.
Dahan dahan naman siyang umiling sa akin at nakahinga naman ako ng maluwag nang marinig ko ito mula sa kaniyang bibig. Mabuti naman.
Ngunit hindi nagtagal ay narinig ko ang growl ng ilang infected sa baba, geez ito na ang aking kinatatakutan, Naging mabilis ang aming pagdaan sa bawat palapag at pinatay ko lamang ang mga nakaharang sa aming daan.
Madilim ang bawat palapag, kaya hindi namin alam kung ilan at hindi imposible, na maraming sleepers ang nasa loob ng building na ito.
Frick!
Narinig ko ang mabibilis na yabag kaya naman hinila ko si Elle at hinawakan ko naman siya sa balikat at tiningnan siya sa mga mata.
Magiging mahirap ito.
“Dito lang kayo at wag na wag kayong lalabas,” utos ko sa kaniya. Tiningnan ko si Ellis. “Protektahan mo siya okay?” tagubilin ko pa sa kaniya at tumango naman siya sa akin. Mabuti na lamang ay hindi siya nagpumilit na makatulong pa.
Kahit secured na ang kwarto ay dapat makasigurado kami. Wala kaming tatakbuhan. Wala kaming ibang pagpipilian kundi ang labanan sila.
“Dok, pasensya ka na,” wika ko.
“Wala kang kasalanan,” ganti niya naman sa akin.
-Raging Minds-