Chapter 20 - Goodbye

1550 Words
Vince’s Point of View -July 30, 2024- Dahil sa nagkausap na kami ni Ellis ay nakumbinsi ko ang doktor na palipasin ang gabi bago kami umalis dahil nasabi ko na sa kaniya ang lahat ng aming napag usapan. Kaagad kong iminulat ang aking mga mata ng tamaan ito ng sinag ng araw at unti unti akong bumangon. Aalis na kami. Nang tumayo naman ako ay nakaramdam ako ng pagkapahiya ng makita ko silang nag eempake na ng mga gamit. Napangiti na lang ako ng bahagya at hindi naman nila ako pinansin. Mukhang desidido na nga si Ellis. Aaminin ko na umasa ako na magbabago ang kaniyang isip ukol sa bagay na ito... pero wala akong magagawa kundi ang respetuhin na lang ang kaniyang magiging desisyon. Sobrang lungkot ko ngayon dahil sa aming magiging paghihiwalay kahit na saglit na panahon lamang ang aming naging pagsasama. Talagang nakikita ko ang aking sarili sa kaniya. Pero kagaya nga ng sinabi niya ay magkaiba kami, hindi ako si Ellis, and hindi siya ako. I totally understand that. Tumayo ako para matulungan ko sila sa kanilang mga ginagawa. Lumingon sa akin si Dan. “Ohhh, look who’s awake,” wika niya. “Magandang umaga,” bati ko sa kaniya pero hindi ko pinansin ang kaniyang sinabi. “May mainit na tubig?” biglang tanong ko nang akma pa itong magsasalita. Wala ako sa mood makipagbiruan ngayon. Napalingon na lamang siya sa termos at ibinaling niya muli ang tingin sa akin. “Meron?” hindi siguradong sagot niya sa aking tanong. It is to be expected. “Oh, tingnan ko na lang,” sagot ko sa kaniya. “Salamat.” Nilapitan ko ang doktor para humingi ng styro cup para magkape. Naabutan ko siya na tinitingnan ang makina ng sasakyan. Can’t disturb him now, so ako na lang ang pumunta sa likod ng sasakyan para kuhain ang gamit na aking kakailanganin. Si Elle, asaan kaya siya? Hindi ko pa siya nakikita. Binuksan ko ang likod na pintuan ng van at bumungad naman sa akin ang mga kagamitan na aming dala dala. Hindi nagtagal ay nahanap ko rin ang baso na hinahanap ko. .               .               .               .               .               .               .               .               .               . Pagkatapos ko magkape ay muli akong tumayo at nilapitan ko ang bata, na siya namang nakaupo at nakatulala sa kawalan. “You really sure about this?” muli kong tanong sa kaniya at wala akong pake kung isipin niya na sobrang kulit ko dahil ganun naman talaga. “Hindi na po magbabago ang aking isipan kuya,” muling pagkakawika niya sa akin at napangiti na lamang ako sa kaniya. “Wala na talaga akong magagawa,” natatawa tawa at may pait na pagkakasabi ko. Narinig ko na pinaandar ng doktor ang van at hindi ko pa rin nakikita si Elle, kaya medyo nag aalala na ako sa kaniya. “Nakita mo saan nagpunta ate Elle mo?” tanong ko sa kaniya. “May gagawin lang daw po siya pero hindi ko po alam kung saan siya nagpunta,” sagot niya sa akin at napatango na lamang ako sa kaniya. “Salamat,” ganti ko at tumingin na lang din ako sa kawalan katulad niya dahil alam ko naman na hindi lumayo ang babaeng yon. Maya maya ay babalik na rin siya dahil paalis na rin kami. Nakita ko ang doktor na nakangiti habang pinagmamasdan ang van. “Ayos,” rinig ko na pagkakasabi niya. “Aalis na tayo pagkakain!” sigaw niya sa amin. Speaking of pagkain, malapit na palang maluto ang ulam. Tumayo ako para hanapin si Elle. San ko nga ba siya nakita na nanggaling, kasama ang doktor? Ah! Doon sa lumang pabrika na katabi ng lugar na ito, dun ko sila nakitang lumabas kayo doon na ako dumeretso para hanapin siya. Kaagad ko naman narating ang pintuan, at hinawakan ko ang malaking handle bar at mabigat naman ang pintuan, at medyo nilakasan ko ang pagkakahila nito nag nagdahilan naman sa nakakairitang ingay ng bakal na sumasayad sa kapwa bakal nito. “Elle!” sigaw ko at kaagad ko naman siyang nakita na nakaupo habang hawak hawak ang noo ng isang infected. Hindi niya ata ako narinig. Ohh... I see now. Tinetrain niya ang kaniyang mutation. Sa pagkaka ala ala ko ay kaya niyang makita ang memorya, ng mga mahahawakan niyang buhay na bagay as long as may utak pa ito. Yung storage sa utak natin ay nag eexist pa. I wanted to experience that pero ang weird naman kung hihingin ko ang kaniyang dugo. Kailangan ko timiningan dahil hindi ko rin maiiwasan na darating ang oras na kailangan kong gamitin ang kaniyang kapangyarihan. Naglakad lakad naman ako palapit sa kaniya. Masaya naman ako dahil mukhang hindi ko siya naistorbo kanina. A very good thing indeed kaya nagdahan dahan na lamang ako. Umupo ako sa kaniyang harapan at pinagmasdan ko ang kaniyang maamong mukha. Ang kaniyang buhok na bagsak at itim na itim. Tila ba ay isa siyang anghel sa aking harapan. At ako naman ay isang demonyo na siyang umalis sa impyernong aking kinalalagyan para lamang makita siya. Nadedemonyo ang aking kamay na haplusin ang kaniyang malambot na pisngi. Hindi pwede. Hanggang titig na lang ako sa kaniya ngayon. Pakiramdam ko ay fulfilled na akong masyado. Napakaganda niya... may pag asa ba ako sa kaniya? Siya lang ang magandang nangyari sa aking buhay nang mangyari ang lahat ng ito. Hindi naman sa nagpapasalamat ko na nangyari ang laha- “Hey,” naputol ang aking pag iisip isip nang marinig ko ang kaniyang boses at nagmalay na lang ako na bukas na ang mga mata niyang kanina ay nakapikit. Nagitla ako at napaatras ako ng bahagya. “Matutunaw ang aking mukha sa katititig mo,” dagdag pa niya at napaiwas naman ako ng tingin sa kaniya para hindi niya makita ang mga nag iinit kong pisngi ngayon. “H- hindi may iniisip lang ako,” palusot ko. “Kakain na raw, s- susunduin sana k- kita rito kaso may ginagawa k- ka,” dagdag ko pa at hindi ko mapigilan ang pagkautal ko. “Sige, sabi mo e,” ganti niya at bahagya naman akong napatingin sa kaniya at nakita ko siyang tumayo at nagsimulang maglakad. Muntikan na ako run. Saka back at the store... akala ko ay aaminin ko na ang aking nararamdaman sa kaniya. Yung mga taong kasing yun, napakaganda talaga ng timing. Hindi ko naman na sila masisisi. Ganun talaga. Inayos ko ang aking sarili at tumayo na rin ako para sundan siya. Hindi man lang ba siya lilingon sa akin at tanungin kung bakit ganun ako makatitig sa kaniya? Ganun ba siya kamanhid? I mean napaka obvious na nung mga tingin na yun kung ano ba talaga ang nararamdaman ko sa kaniya. Napasinghal na lang ako dahil wala naman akong magagawa. Duwag naman ako para aminin ang nararamdaman para sa kaniya. Nagtuloy tuloy ang mga nangyari na hindi niya inoopen ang nangyari kanina. Kailangan ko na lang tanggapin at nakaupo na ako ngayon sa harapan ng van. Pagkatapos kumain at maglinis ay hindi na kami nagpaligoy ligoy pa at umalis na kami sa lugar na iyon. Hindi namin alam kung ano ang iniisip ng mga tao na nakamasid sa amin doon. Ang unang stop namin ay kung saan namin iiwan si Ellis. Sa isang lugar na kung saan ay mas ligtas siya at alam kong malapit ang mga supplies para habang natututo pa lamang siya ay hindi niya muna kailanganin ang mga bagay na iyon. Yes, malapit sa store na tago kung saan kami nakulong, since kulong na iyon imposible na bumalik sila doon at kung mga tao lamang ni Makarov ang mga tao na iyon ay solo niya na ang lugar. Habang nasa biyahe kami ay paulit ulit kong sinabi sa kaniya kung saan ko hinukay yung secret tunnel at kung paano niya ito mahahanap. Dumating na ang oras kung saan kailangan na namin mag hiwalay. Pinipigilan ko ang aking luha na wag tumulo, dahil ayoko naman gawing madrama ang mga nangyayari ngayon. Ayaw ko rin naman na umalis siya na nag iiyakan kami, pero rinig ko na ang paghikbi ni Dan at Xandra. Masyado talaga siyang maemosyon at kahit hindi naman nagpapakita ng ekspresyon ang kaniyang mukha ay ramdam ko na malungkot din siya, si Allen man ay wala lang talagang pake sa kaniyang pag alis. “Mag iingat ka,” wika ko at niyakap ko siya dahil ako rin ay bumaba sa van nung bumaba siya. “Salamat sa tulong niyo kuya, pag napadaan kayo hanapin niyo ako,” nakangiting pagkakasabi niya sa akin. “Talagang hahanapin kita kaagad at kapag may kung anumang mangyari sa iyo, may sapok ka pa sa ulo na malalasap sa akin,” pabirong pagkakasabi ko. “Masakit yun kuya,”  reklamo niya. “Alam ko, kaya unahin lagi ang kapakanan mo kung ayaw mo masapok kita,” at sinundan ko iyon ng mahinang pagtawa. Hindi nagtagal ay tumigil ang aming tawanan at nagkatinginan naman kami. Hindi na ako nag alinlangan pa at niyakap ko siya. Alam kong nagulat siya sa aking ginawa at naramdaman ko na gumanti din siya ng yakap sa akin na siya namang ikinangiti ko. “Una na ako kuya,” wika niya at kumalas naman ako sa pagkakayakap sa kaniya. “Ingat.” -Raging Minds-
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD