“AZRIEL!” Hindi ko maintindan kung anong nangyayari sa kanya at bigla siyang natulala. Hindi ko man malimutan ang pagtulo ng luha ni Azriel, ngunit wala pa akong oras na pagtuunan iyon ng pansin dahil sa kalagayan ni Rina. Napakurap-kurap siya dahil sa malakas na pagsigaw ko. Kasabay ng pagsigaw ko ay ang malakas na paghagulhol. Mabilis na lumapit sa akin si Azriel nang mapagtanto niya na siguro kung anong nangyayari. Tiningnan niya kung may pulso pa si Zarina at nang mapagtanto na mayroon ay binuhat niya ito. Lumabas kami sa unit ko at nakasalubong pa namin si Amari. Nagulat siyang makita kami lalo na ang duguang si Zarina. Agad siyang inutusan ni Azriel na ipahanda ang sasakyan at tumawag sa pinakamalapit sa opsital. Nalilito pa man ay ginawa iyon ni Amari. Gusto ko siyang tanungin

