ZARIAH Nagulat ako nang mabitawan ko ang isang baso at nabasag iyon nang bumagsak sa sahig. Tinangka kong ayusin ngunit agad akong pinigilan ni Aiselle. Tumawag siya ng kasambahay para linisin ang nabasag na baso. “Sorry, nabitawan ko.” Nakatulala pa rin ako sa pira-pirasong baso sa sahig. Wala na nga ako sa sarili kanina ay lalo pa akong nawala sa sarili ngayon. Nasa loob kami ng silid ko at sinabi ni Aiselle na umalis si Yago para sundan sina Azriel. Isinama niya rin ang mga pinsan niya at iba pa nilang tauhan para maging back-up ni Azriel. Dapat ay nakakahinga na ako nang maluwag, hindi ba? Knowing na naroroon sina Yago, alam ko na mas malaki ang chance na maging ligtas si Azriel. Pero matapos ang pagkabasag ng baso ay kinabahan akong muli. I am not a superstitious person, ngunit

