“STRIP, you say? Naririnig mo ba ang sarili mo?” Hindi ako makapaniwala na ang akala kong karespetong lalaki ay hindi naman pala. Kung tutuusin, maayos ang pakikitungo ni Sir Eli sa akin. May ilan pang talents na nagagalit sa akin dahil masyado raw akong pinapaboran, na ako raw ang bagong paborito. Ngayon, kung may hidden agenda pala siya, hindi na ako magtataka na kinukuha niya ang loob ko. Too bad for him, may paninidigan ako sa sarili ko at kahit anong mangyari, I won’t stoop that low. Hindi ko ihahain ang sarili ko sa taong hindi ko gustong paghaingan nito. Ngumiti si Sir Eli pero iba ito sa lahat ng friendly smiles na pinakita niya sa akin simula nang una kaming magkakilala. This time, it’s malicious and my heart and mind are telling me that he’s a dangerous man. “Kung hindi ka ma

