ABOT-abot ang saya ko nang pumayag sila sa arranged marriage na naisip ko. Alam kong tutol dito si Kuya subalit alam ko ring desperado sina Dad na ilayo siya sa mga Monteclavo. After all, my stupid brother is trying to throw away his life just to be with his woman and my parents wouldn’t let that to happen. Nang malaman kong ngayong araw ang dating niya sa bahay, hindi na ako nagdalawang-isip na umuwi. Tinapos ko agad ang mga trabaho kahapon at pumunta ng Laguna dahil naroroon sina Mommy. I met her. Unang tingin pa lang, alam kong hindi siya ang babaeng inaasahan kong darating dito. I should be meeting Zarina Hidalgo, Diana’s favorite daughter…and not her. Not her twin sister. Not Zariah Hidalgo. Pinakisamahan ko siya noong una pero nang mapagtanto ko that she f****d-up my plan, nainis

