LIGTAS kaming nakarating sa bahay nina Yago. Mahigpit ang seguridad at nakaayos na ang isang silid kung saan ako manganganak. Kasama namin ang mga doktor at nurses na magpapaanak sa akin. “Amari, s-si Azriel…” Kanina ko pa hinahanap si Azriel. Hindi ako mapalagay simula nang iwan namin sila sa ospital. “Nasaan si Azriel?” tanong ni Yago. Napunta sa kanya ang aking atensyon. Umiiyak ako dahil sa pag-aalala at dahil sa sakit ng tiyan ko. “Nagpaiwan po si Sir Azriel sa ospital para harapin ang mga sumugod doon upang masigurado na makakatakas kami nang hindi napapahamak si Miss Zariah. Paparating na rin naman po ang back-up nang umalis kami pero mukhang nag-aalala po si Miss Zariah kay Sir Azriel.” Nakita ko ang pagkunot ng noo ni Yago bago tumingin sa akin. “Zariah, focus on your labor

