PAPUNTA ako ngayon sa headquarters ng organisasyon namin. Hindi ako madalas nagpupunta roon pero sapat na para makabisado ko ang pasikot-sikot. Kasama ko sa loob ng sasakyan ang tatlong tauhang ibinigay sa akin ni Dad. They pledge their loyalty to me, so I need to know if they are really faithful to me. “Saan po tayo pupunta, Sir?” tanong ng isa. Mas bata sila kumpara sa mga tauhan nina Dad. Ang pinakamatanda sa kanila ay 21 years old pa lamang at sa amin na sila lumaki. Ganoon man, may sapat silang training sa Special Forces kaya pinagkakatiwalaan sila ni Dad na maprotektahan ako. “HQ,” sabi ko. Nagkatinginan sila. Alam ko na gusto nilang magtanong kung anong gagawin namin doon kaya inunahan ko na sila. “Kailangan kong makuha ang dumukot kay Mommy. I need information.” Napatingin ang

