NGAYON lang kami nagkaroon ng pagkakataon ni Vladimir na magkita. Kaya ito ako at nasa Russia. “What do you need?” tanong niya sa akin. He’s sipping his vodka. Ang aga pa, ah? “I need information regarding the Volkov family especially about Richard Volkov. You know him?” tanong ko sa kanya. “Yes,” sabi ni Vladimir. “But what makes you think I am going to help you with that? If I give you anything about the brotherhood, that makes me a traitor.” Tumingin ako kay Vlad. Tumaas ang kilay ko sa kanya. “But I owe you for giving me the information about what happened to my father.” He snapped his fingers at isang Russian na lalaki ang nagpakita sa gilid niya. Nakipag-usap siya rito in Russian habang ako ay sumisimsim na rin sa baso ko. “Naisip ko na dapat matagal ko na itong ginawa. But I t

