“AYOKO NA,” hindi makatingin kong wika habang pinipigilan ang sariling boses na hindi mabasag.
“Anong ayaw mo na, boo? Ang gumala? Nabo-bore ka na ba? Uuwi na ba tayo?” Ang boses nitong puno ng pag-aalala ay alam kong kahit kailan man ay hindi ko malilimutan at hahanap hanapin ko.
“Nakakasawa na, Jatch…”
“Saan mo gustong gumala kung gano’n? Gusto mo bang sa beach tayo pupunta sa susunod? O ‘di kaya sa province namin?”
“Nakakapagod na. Please…” naging garalgal ang boses kong wika pero hindi pa rin ako tumitingin sa kanya kahit na alam kong nakatitig ito sa akin na para bang pinag-aaralan ang mga magiging reaksiyon ko.
“Sige, roon tayo sa susunod pupunta at ng sabay tayong makarelax. Uuwi na lang tayo ngayon dahil alam kong pagod ka na rin,” isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan niya at akmang isasabuhay na ang makina ng kotse ng humarap ako sa kanya at pinigilan ang dapat nitong gawin.
Lumingon ito sa akin na may nakakunot na noo pero hindi nakatakas ang sakit na makikita sa kanyang mga mata. Kumirot ang puso ko dahil doon.
“Let’s end this, Jatch.” Hindi ko na napigilan pa ang luhang dumaloy sa aking pisngi dahil hindi ko kaya pero kailangan. Masakit man pero kailangang tanggapin. “Tama na, Jatch. Please…” basag ang boses kong pagmamakaawa sa kanya.
“Kaya nga uuwi tayo ngayon ‘di ba? Kasi pagod ka na sa date natin ngayong araw.” He smiled at me like his eyes didn’t reflect the pain his feeling now. “Magpapahinga tayo ngayon at babalik ang lahat sa dati kapag nakapagpahinga tayong pareho,” pinilit man niyang ilambing ilamyos ang kanyang boses ay hindi nakatakas sa aking pandinig ang pagkabasag nito.
He tried to enter the key in the car’s keyhole to start the engine but I stopped him. Hindi ko na napigilan ang sunod sunod na pagdaloy ng mga luha sa magkabila kong pisngi dahil sa pag-awang ng labi nito at ang pagkinang ng mga mata niya sa mga luhang kanyang pinipigilan.
Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko at umiling sa kanya para ipaalam na huwag na niyang gawin ang gustong niyang gawin dahil hindi na mag-iiba pa ang isip ko.
Bumagsak ang mga balikat niya na parang alam niyang talo na talaga siya. Bumalatay na rin ang sakit at hindi makapaniwala sa kanyang gwapong mukha. Ang matiim nitong mga matang nagpapakita ng pagkasawi at pagkatalo na mas lalong nagpadurog ng puso ko.
Dahan-dahan itong lumingon sa akin na mas lalong napamalibis ng mga luha ko sa pagdaloy. Isang malaking pagtutol ang nasa kanyang mga mata na alam kong hindi ko malilimutan mula sa araw na ito. He felt defeated but he tried to smile at me like he’s saying that he’ll be alright. But I know him. He won’t be fine when I let him go.
Hindi ko kayang ibuka ang bibig ko dahil sa hindi malamang bagay na bumara rito at pinipigalan akong magsalita dahil alam nitong bibigay ako at hihikbi ako sa harap niya na hindi niya dapat marinig.
“Why?” Isang salita at kataga lang pero mas lalo nitong dinurog ang puso ko. “Bakit mo ginagawa sa akin ito, Vale? May mali ba sa akin? May gusto ka bang baguhin ko para sa’yo? Para hindi mo ako iwan?”
Marahas akong umiling sa mga tanong niya. Walang mali sa’yo, Jatch. Ang sobrang pagmamahal mo ang mali. Ang pagmamahal mong nakakasira sa sarili mo. I want you to love yourself first before me. Your love is a distraction and it will destroy you. Mga salitang gusto kong sabihin sa kanya pero hindi ko magawang ibuka ang bibig ko.
“Please, Vale. Give me the reason why are you doing this to me.”
“Love yourself…” mahina man ay sapat lang para marinig niya ang sinabi ko.
Napaigtad ako sa gulat ng isang malakas na busina ng kanyang kotse ang narinig ko sa lakas ng paghampas niya sa manobela. Mas lalong dumaloy ang mga luha ko na parang gripo sa sakit na nakikita sa kanyang mukha. Hindi niya ininda ang sakit na dulot ng paghampas niya at parang wala itong naramdam kahiti na namumula na ang kamao niyang nakakuyom sa ibabaw ng manobela.
“Jatch…” mahina at malamyos ang boses kong tawag sa kanya pero parang wala itong narinig.
“No…” nanghihina at puno ng sakit na bigkas niya. “I can’t. You can’t do this to me. Please…”
“This is the only way –“ hindi ko natapos ang sasabihin ko dahil sa isang malakas na paghampas ang ginawa niya na nagpaigtad ulit sa akin. “Jatch –“
“You don’t know, Vale! You don’t know the pain I’m feeling! So stop! Stop saying those nonsense!”
“Please. Listen to me first, Jatch.”
“Hindi ikaw ang magdidikta at magsasabing pipigilan ko ang sarili kong mahalin ka ng sobra! It is me who wanted this! I want to love you with my all, Vale! Because you deserve it…”
“I know but this is too much, Jatch! You forgot to love yourself for loving me too much! Just please…” Hindi ko na napigilan ang sariling pagtaasan siya ng boses dahil ayaw niyang makinig sa mga sinasabi ko. “We need this. You need this…”
“No, I don’t. All I ever want is you, Vale. So please… Don’t make this hard for me.”
“You’re making this hard, Jatch. If you’ll agree with what I want, then this won’t be hard for the both of us.”
“Ma-mababaliw ako, Vale. Hindi ko kaya. Please… Don’t do this to me. I love you…” Napaiwas ako ng tingin dahil sa hindi ko na kinaya pa ang sakit na makikita sa kanyang mga mata. Ang mga matang nagpapakita ng sobrang pagmamahal sa akin. “Huwag mo naman gawin sa akin ito, boo. I can’t live without you…”
“This is what I am talking about. Nakakasakal ang pagmamahal mo.” Hindi makatingin kong ani at pinunasan ang pisngi kong puno ng luha. “I want to end this. I want you to love yourself more than me. This is not healthy, Jatch.”
He reaches for my hands the reason why I look at him again. Nakayuko lang ito at gumagawa ng maliliit na na bilog sa mga palad ko gamit ang hinalalaki nito na dahilan para maramdaman ko na naman ang pagtubig ng magkabila kong mga mata.
“Is this what you really want?” he whispered. “O baka mayroon ka ng iba?”
“I’m doing this for us to be a better individual, Jatch. Hindi dahil sa may iba ako.” Garalgal ang boses kong wika.
“But I can’t…”
“Tama na, Jatch. Bitaw na.” Gustuhin ko mang hawakan ang mukha niya pero hindi ko ginawa dahil alam kong hindi niya ako bibitawan kapag gano’n.
Mabilis itong umiling at tinitigan ako ng matiim. Hindi niya pa rin binibitawan ang mga kamay at mas hinigpitan pa ang pagkakahawak niya rito.
“Hindi kita bibitawan, Vale. Hinding-hindi kahit na ano pang mangyari.” I felt a shiver down my spine as what I have heard from him. “Ano ba kasi talaga ang problema? Okay pa naman tayo kanina. Bakit naging ganito?”
“Pagod na ako kakaintindi sa’yo! Pagod na akong ipaintindi sa’yo ang lahat dahil hindi ka naman nakikinig sa akin. Pagod na ako sa lahat, Jatch. Pagod na pagod na ako…” Napahikbi na lang ako dahil hindi ko na kaya pa. “Ang pagmamahal na nararamdaman ko sa’yo ay napapalitan na ng sakit at ayoko nun.”
“Kung pagod ka na, hayaan mo akong lumaban para sa akin. Hayaan mong ako naman ang lalaban para sa atin. Hayaan mo akong mahalin ka pa at hayaan mo ang sarili mong mapagod dahil hahayaan kitang magpainga basta’t ‘wag mo lang akong iwan. Hindi ko kaya, Vale. Hindi…”
He then cupped my face and leaned in to kiss my forehead down to nose, cheeks and in the side of my lips with so much love before he pulled me for a tight embrace. Naramdaman ko ang pagkakahulog ng puso ko dahil sa ginawa niya. Kahit na nasasaktan man siya dahil sa akin ay nagagawa niya pa ring iparamdam sa aking mahal na mahal niya pa rin ako.
“Don’t leave me, baby. Ikaw na lang ang meron ako. Kaya, please…” Isiniksik ko ang mukha ko sa dibdib niya kaya mas hinigpitan niya ang pagkakayakap sa akin. “Ikaw ang ang babaeng nakakagawa sa akin nito. Ikaw lang ang babaeng minahal ko n husto na pinili kong magbago para sa’yo. Ikaw lang ang nagbigay ng kulay sa madilim kong buhay. You are the only woman who can make me feel this way, boo.
“You are my light, my flower, my air, my life, my world and my everything. Because without you, baby. I’m nothing. I’m nothing but a trash. So please, I’m begging you to stay with me.” Nawalan ako ng lakas na kumalas sa yakap niya dahil sa mga sinabi niya. “I know my love for you is a toxic in your system but, baby, trust me when I say I’ll fight for you even if it cost my life.”
Agad akong kumalas at lumayo sa hawak niya dahil sa mga katagang binitawan nito. Bagsak ang balikat niya akong tinitigan at ang sakit ay bumalatay sa gwapo nitong mukha na nagpakirot ng puso ko. This is what I am talking about. He can die loving me but I won’t let him do that. I am not worthy of his life and that I will never be.
“You can’t die for me, Jatch. That is too cruel for me. Hindi mo pwedeng ipagpalit ang buhay mo sa buhay ko dahil hindi ko kailangan iyon. I want you to live for your life and not mine. I don’t want you to love yourself because you need to and I want to but because you wanted it.” I smiled at him sadly. “Always remember that you will always be in my heart, Jatch.”
Umawang ang mga labi nito dahil sa sinabi kaya kinuha ko iyong pagkakataon para talikuran siya at bumaba na hindi lumilingon sa kotse niya ng makalabas ako. But before I got out, I saw a single tear escape his black piercing eyes that made my heart clench in pain. I needed to do this, for our own good, Jatch.
‘I’m sorry, baby but I want you to know that we needed this for us to know the real meaning of love.’
NAPABALIKWAS ako ng bangon at hingal na hingal akong napatingin sa dalawang taong naka-upo sa gilid ng kama ko. Agad kong pinulupot ang braso ko kay mommy na may sobrang pag-aalala sa kanyang mukha. Humagulhol ako sa mga bisig niya at mas lalo pa akong humagulhol ng maramdaman ko ang pagyakap nilang dalawa sa akin.
"Shh. Tahan na, cupcake. Mommy and daddy is here for you," malumanay ang boses nitong ani sa akin. "Mahal, pwede ka bang kumuha ng tubig para kay Vale?" Hindi ko narinig ang sagot ni dad pero ramdam ko ang pagkalas nito sa yakap niya sa akin.
Kumalas ng yakap si mommy sa akin at pinahid ang mga luha ko sa magkabila kong pisngi. Ngumiti ito sa akin pero hindi ko magawang suklian ito. She kissed my forehead kahit pa na puno ito ng pawis.
"Kanina ka pa namin ginigising dahil sobra kaming nag-alala sa'yo. We just wanted to look at you bago kami pumuntang kwarto namin at makapagpahinga galing sa trabaho. Pero hindi namin inaasahan ang madadatnan namin ng daddy mo," may lungkot sa boses nitong ani at nakita kong naka business suit pa ito. Galing siguro sila ng opisina ni dad at ng makauwi ay dumeretso sila rito sa kwarto ko. "We were so worried seeing you cry, sweat forming in your forehead and mumbling words that we didn’t understand while your eyes were closed."
"I'm sorry, 'my. I'm really sorry for making you worried about me," garalgal ang boses na ani ko.
"Did you dream about it again?" May pag-aalangan nitong tanong sa akin.
Tumango ako dahil wala ng dahilan pa para i-deny ko ang bagay na iyon dahil wala naman akong tinatago sa kanila. Alam lahat nila mom and dad ang nangyari noon at nagpapasalamat ako dahil naiintindihan nila ang gusto ko at ang naging desisyon ko.
"Oh my cupcake. Take a rest again, okay? I won't ask you anything for now. But, you'll pack your things first thing in the morning dahil may pupuntahan tayo," she kissed my forehead again and let me back at laying in my bed. "Rest, cupcake. I love you."
Hindi na niya ako pinasagot pa at agad nang naglakad papalabas ng kwarto ko. Napangiti naman ako ng makitang papasok na sana si dad dala ang isang basong tubig ng buksan ni mom ang pinto at hinila ito papalayo sa kwarto. Ang huli ko na lang nakita ay ang paghalik ni mommy sa pisngi ni dad na ikinangiti naman nito. They really love each other and I envy my parents for that. Ipinikit ko na ulit ang mga mata ko at inisip kung saan kami pupunta bukas.
C.B. | courageousbeast