KANINA PA ako tumatawag sa number ni Cahlen pero hindi niya pa rin ito sinasagot. Kanina pa rin ako palakad-lakad sa loob ng kwarto ko at ginulo ko ang buhok ko dahil sa frustration na nararamdaman. Ilang araw ng hindi siya nagpaparamdam sa akin. It's making me worried! Nasaan ba kasi siya at bakit hindi niya sinasagot ang mga tawag ko! Nabuhayan ako ng sa ikalimang ring ay sumagot na ito pero agad ding naibagsak ang balikat ng tinig ng babae ang sumagot. I gritted my teeth to suppress my anger to this woman. She’s really getting into my nerves! f**k her! "Hello? Sino 'to?" malumanay ang boses nitong bungad ng sagutin ang tawag ko. "Sorry pero hindi kasi nakaregister ang number mo sa phone book ni Jatch. Who is this, please?" Tumulo ang isang butil ng luha sa aking pisngi ng marinig an

