Kabanata 3

2337 Words
Pake mo sa susuotin ko? Tuluyan na ring naka-move on sina tita sa nangyari sa akin at nagpatuloy sa pag uusap tungkol sa lupa. Mura ang benta nina nanay Helen at tatay Kiko sa lupa. Nagmamadali na daw kasi silang ibenta dahil kailangan na nila ng pera. Aalis na daw sila sa Alta Monte- that's right this place is called Alta Monte. Ganda nga pakinggan ih! Hindi nila sinabi ang rason pero iyan na daw ang plano. Pag na harvest na daw ng tuluyan ang mga pananim tsaka may bumili na aalis na sila. May karagdagan ngang lupa sina Nanay, katabi lang nito kaso may kliyente nang inaantay na bumili. Kaya eto lang makukuha namin kung sakali. Kompleto ang documento, maganda ang daan, maganda ang view. Pababa din ang lupain nila, but its not steep, sakto lang para maging isang farm. 450 thousand daw ang benta nina nanay sa katabing lupa. Mahal kasi mas maganda ang view at mas accessible yon. Mas malapit din yon sa sapa kaya maganda talaga. Interesado sina tita kaso baka bilhin talaga ng kliyente kaya wala na silang magawa. The big bosses in our family decided to buy the lot. Naging madali ang disesyon kasi maganda talaga at may komunidad na, kaya di na delikado. Uuwi na kami pagkatapos neto, next visit namin ay sa summer na next year. Break lang kasi ngayon sa school kaya ngayon nakabisita. Sa susunod na visit, sigurado akong nasimulan na ang pagdevelop ng farm! Nakaka-excite! *** Summer na, sabi nina tita bibisita raw kami ngayon sa Alta Monte. 5 sa morning na naman kaya't dali-dali akong nagbihis, white spaghetti top ang susuotin ko tsaka black skinny shorts. Pinatungan ko na din ng oversized flannel kasi malamig nga sa Alta Monte. Boots na din ang sinuot ko kasi malapok daw dun ngayon dahil umulan raw kagabi. Susunduin kami nina Tito Arthur, kaya di kami lahat sasama. Ako lang sa mga kiddos ang sumama ngayon. Dun daw kasi magsusummer kaya ayaw nila sumama. Tsaka chance na din nila mapag-isa sa bahay buong summer, walang mga adults kaya "gala all you want" sila dito. I mean walang adults sa bahay most of the time, uuwi si tita Maya kasi syempre may trabaho, si daddy sa Alta Monte na daw gagawin ang mga trabaho tsaka si Tita Lila, uuwi lang paminsan. Natulog lang ako buong byahe kaya wala masyadong ganap, puro kain lang din silang tita. Laging humihinto sa byahe para bumili ng mga pagkain o ano-ano dyan sa daan. Matatagalan talaga kami hayst. Hapon na nang dumating kami Dumiretso na kami sa Farm, may bahay na kasi dito. Di naman malaki, kubo lang para lang talaga may ma stayan kami. Ito ang unang pinagawa nina Tita para may mag supervise dito. Nag arrange kami ng gamit tsaka kumain na rin. Malapit nang mag alas kwatro nang natapos kami. Napagdesisyonan kong lumabas para magpahangin tsaka bumisita na din kay aling Nena. Bibisita lang, promise! wala akong hinahanap ah hehe. Bitbit ang wallet tsaka phone ko, lumabas na ako ng kubo. Na sa entrance lang ng lupain ang bahay na pinatayo kaya di masyadong malayo ang lalakarin ko. Natatandaan ko pa naman kung nasaan ang tindahan tsaka nadaan din kanina kaya dumiretso na ako doon. Malayo pa ako sa tindahan pero tanaw ko na si horsey-teka, si horsey?! Ibig sabihin nandyan si Wezen? omg! Di ako na e-excite ha? Mas binilisan ko ang paglalakad ko, pero nang natanaw ko ang mga upuan sa tindahan, bumagal ang paglalakad ko. Wala namang tao ah, baka iniwan lang nya si horsey dito? Bat parang malungkot ako? Bibili lang din naman ako ng snack eh kaya nandito ako. Tama, bibili ako ng softdrink kasi nauhaw ako. "Tao po? Aling Nena?" Ba't walang tao? Umupo na lang ako sa upuan tsaka gumamit ng cellphone. May naririnig akong nag-uusap sa may likuran ng tindahan, baka si Aling Nena? Tumayo ako't sumilip, chismosa ako eh. Si aling Nena nga! Pero may kasama eh, lalaki. "Aling Nena?" Tawag ko naman sa kanya. Sabay namang lumingon si Aling Nena, tsaka ang lalaking kasama nya, na si Wezen pala. Nabigla ako pero slayt lang hehe, nag panggap nalang akong di ako nasurpresa. Poker face tayo ate girl, baka kala nya na excite ako nandito sya eh. "Oh Zaf! Napadalaw ka? Nakabalik ata kayo sa probinsya?" "Ah opo, dito po ako magsusummer, busy kasi sina tita sa farm," nahihiya ko namang saad. Sino ba naman di mahihiya, eh titig na titig yung lalaking gwapo dyan sa gedli, ganda ko siguro sa paningin nya. "Ah ganun ba? Kanina ka pa ba dyan? May ginagawa kasi kami ni Wezen dito oh. Tinutulungan nya ako maglipat ng mga pananim ko. Alam mo na, plantita na ako, nakikiuso," sabay halakhak at turo ni Aling Nena sa mga pananim nya. Dami nya namang tanim, parang si tita Lila lang eh. "Ah ganun po ba? Baka kailangan nyo po ng tulong?" "Talaga ba? Masakit na nga balakang ko eh, baka pwedeng kayo nalang nitong si Wezen magtapos, ikukuha ko nalang kayo ng snack," alok ni Aling Nena sabay hawak ng balakang nya. Lumingon naman ako kay Wezen, na agad nagbawi ng tingin tsaka nag panggap na busy kakatingin sa mga tanim. "Opo, ako na ho dyan, pahinga ka po muna!" Matapos akong sinabihan ni Aling Nena sa gusto nyang mangyari, pumasok na nga sya luob ng bahay nya. Kami nalang ni Wezen ang naiwan. Tinali ko ang buhok ko at pinataas ang manggas ng flannel ko. Syempre naghahanda sa gagawin, baka madumihan kasi ako dahil medyo maputik ang mga pot. "Ano gusto mong gawin ko?" "Put that small pots over there, arrange it. Malapit na kaming matapos, kaya konti nalang gagawin," I looked around and I realized na tama nga sya, malapit na silang matapos. May mga maliliit na pots nalang na wala sa lugar ang arrangements at mga malalaking pots na kailangan ilipat ng lugar. Tumango lang ako bilang sagot tsaka nagsimula nang maglipat ng pots. Lumipas ang ilang minutong walang nagsasalita sa amin. Syempre nahihiya akong mag start nang convo, baka isnob nya ako eh mapahiya pako. "So.. dito ka magsusummer?" Shet nagsalita na sya. "Ah oo, nandito ako buong summer," paulit-ulit lang Zaf? Parang tanga. "Ano naman gagawin mo? Mamasyal ka ba?" "Baka, pero wala ako masyadong alam dito, baka sa farm nalang din ako maglibot natatakot akong maligaw," "Gusto mo bang ipasyal kita? Marami namang magagandang lugar dito," alok nya naman, shet nakakatemp. Safe naman siguro ako kasama sya diba? Tsaka kilala naman sya ni Aling Nena, di na siguro sya "stranger" diba? "Talaga? Sure! Kailan ba?" Di ko man lang natago excitement ko, ano bayan! "Tomorrow if you want, I’m not busy tomorrow. Around 11am," "Sure, I’m not busy too, and I’m sure tita won't mind," "Alright, just dont wear revealing clothes," What did he just say? Napalingon ako sa kanya dahil sa sinabi nya. Pake naman nya sa isusuot ko? Susuotin ko kahit anong gusto ko noh! Natri-trigger talaga ako sa mga ganitong usapan eh. "What?" Nakasimangot kong tingin sa kanya. "What do you mean what? I said dont wear revealing clothes," kibit balikat nya namang saad. "I’ll wear whatever I want, pake mo ba sa isusuot ko?" Maldita ko namang saad, shet baka aggressive ako masyado ah, ayoko mag mukhang oa eh. "Ayaw lang kitang mabastos, marami pa namang mga lalaking bastos dito, ma catcall ka pa sa daan baka mapa-away pa ako," explain nya naman ng seryoso sakin. "Ayun naman pala, sila problema dapat sila sabihan mo na di mambastos, wag ako. Kasalanan ko bang bastos sila?" Taas kilay kong sagot. Lumingon naman sya sakin sabay sabing "fine, you can wear whatever you want, just don't leave my side. Baka kung mapano ka bukas, ako pa iba-blame mo kasi di kita binantayan ng maigi," Madali naman pala tong kausap eh, wala namang problem yon. Pabor din sakin kasi di pa naman ako familliar sa lugar na to kaya natatakot din ako konti. "Alright, no problem," sagot ko at tumahimik na. Inangat ko ang huling pot at nilagay na sa saktong lalagyan. Tumayo na ako't nagpagpag ng kamay. Sakto namang dumating si Aling Nena, tinawag nya na kami at pinapunta sa mga upuan sa harap ng tindahan. "Wezen," kinalabit ko naman sya nang umaksyong pupunta na sya sa harap. "Hmm?" Sagot nya naman sabay lingon sakin. "Gusto ko sanang maghugas muna ng kamay," sabay pakita ng kamay kong may mga putik. Nilingon nya naman ang kamay nya at tumango. "Sige sasamahan na kita, maghuhugas na din ako ng kamay. Maghintay ka dito, magtatanong lang ako Aling Nena," tumalikod na sya agad. Lumingon-lingon naman ako at naghanap ng mahuhugasan. May mahuhugasan naman siguro dito no. May mga tanim kaya dito, pano nalang sila magdidilig ng tanim kung wala? May nakita akong parang gripo sa gilid, sa may pader sya nakadikit. May mga maliliit na estatwa naman na dwarfs ata sa gilid. Ang cute lang eh. Lumapit ako at binuksan ang gripo pero walang tubig na lumabas. "Huh? Bakit wala?" Mahinang bulong ko naman sa sarili ko. "Sira na daw yan, sabi ni Aling Nena. Eto nalang daw gamitin natin," sagot naman ni Wezen sabay pakita nya naman ng dalawang mineral water na bitbit nya. Narinig nya ata ako. "Ah ganun ba, kaya pala," inilahad ko na ang kamay ko sakanya para mabuhusan nya ng tubig. Nagtataka naman syang lumingon sakin. Natawa nalang ako sa itsura nya, "buhusan mo na ng tubig ang kamay ko," Sinunod nya naman agad ang sinabi ko. Nagpasalamat ako tsaka kinuha ko na din sa kanya ang isang bote. Binuhos ko sa kamay nya. "Tara na," aya ko sakanya tsaka dumiretso na. "Upo ka dito hija, Oh ikaw din Wezen. Salamat talaga sa inyong dalawa ha? Eto may hotcake ako dito, ako nagluto nyan. Naku binilisan ko talaga ang paggawa!" excited na alok naman ni Aling Nena kaya napatawa na lang ako. "Naku nag abala ka pa po! Salamat po!" "Oh siya, kumuha na kayo, teka kukuha muna ako ng softdrinks," pumasok na si Aling Nena sa tindahan para kumuha ng soft drinks, kaya kami na lang dalawa ang narito. “Saan tayo magkikita bukas?" Basag ko naman sa katahimikan. “Ikaw bahala, pwede naman kitang sunduin sa inyo,” “Wag na, dito na lang tayo magkita sa tindahan, tsaka wag natin gamitin si horsey ah?” “Alright, if you say so,” Dumating naman kaagad si Aling Nena. Nagkwentuhan na lang din kami dito, di ko nga namalayan ang oras eh. “Naku, madilim na pala!” napatinging ako sa relo ko dahil sa sinabi ni Aling Nena. 6 na pala! Tinignan ko naman ang cellphone ko para icheck kung may tumawag ba o nag text. Laking pasasalamat ko’t wala naman. Tumayo na ako at nagpaalam kay Aling Nena, nagmagandang luob naman si Wezen, ihahatid nya raw ako. Lakas maka gentleman ah? Sumakay na sya kay horsey, inilahad nya naman ang kamay nya kaya kinuha ko na para maka sakay na ako. His hands feel rough, para bang palagi syang nagtatrabaho. Bumitiw din ako kaagad. Sinusubukan kong ibalanse ang sarili ko. “Hold on to me,” I sighed but followed him anyway. I held unto his shirt. Sa dalawang gilid nya ako kumapit. Shet naman, ang bango-bango nya pa rin. Ito pa rin yung pabango nya dati. “Papagalitan ka ba kung natagalan kang umuwi?” “Di naman kung nakapagpaalam ng maayos. Pero baka pagalitan ako ngayon, di kasi ako nakapagpaalam na matatagalan ako ngayon,” Di na sya sumagot pero mas binilisan nya ang pagpapatakbo kaya napakapit ako ng mas mahigpit sa kanya. Mabilis din kaming dumating, una syang bumaba tsaka inilahad na naman ang kamay nya para alalayan ako. Tinanggap ko parin tsaka bumaba na agad. He looked around, tanaw na rito ang kubo namin. Doon sya tumingin, para bang nagtataka kung bakit may kubo na doon. “That’s ours, pinatukod nina tita para may ma-stayan kami,” Sagot ko na sa tanong na nasa utak nya. “Ah kaya pala, di na kasi ako naka pasyal dito kaya nabigla ako,” tumango lang ako sa eksplenasyon nya. Awkward silence again… “Uhm- sige mauna na ako.. See you tomorrow?” I bit my lips feeling awkward. “Yeah, see you tomorrow. Don’t be late okay? Sabay na din tayo mag lunch,” “Okay,” “Sige mauna ka na, hihintayin lang kitang makapasok, aalis na din ako kaagad,” “Okay, take care,” Dumiretso na din ako, not looking back because I know he’s still staring at me. I can still feel he’s stare. Nang nakapasok ako, naghahanda na sila sa hapag. “Saan ka naman galing Leila? Kumain ka na ba?” Salubong naman ni Tita Lila sa akin. “Dyan lang po sa malapit,” Tumango lang sya bilang sagot. Laking pasasalamat ko’t di na sya nangulit. “Maghugas ka na ng kamay at umupo sa hapag, kakain na tayo,” “Opo,” Sinunod ko na ang sinabi ni Tita. Natapos kaming kumain na puro negosyo ang pinaguusapan. Nagkwentuhan na din kami, pagkatapos ay kumain na naman ng mga chichiryang baon namin para sa byahe kanina. Pati na rin sa mga kahit anong binili nila sa daan. Pagkatapos ay nag half bath na ako at natulog. Nakapagpaalam na din ako kina Tita na mamasyal ako bukas. Pumayag naman sila. Sabi ko din may kaibigan na ako, maganda nga raw ‘yon para di ako mabagot dito buong summer. Sinabi ko din na kaibigan ko na ang may-ari ng tindahan na nadaanan namin kanina, nagtapat na din ako na doon lang ako tumambay. Wala naman silang angal, basta daw next time sabihin ko sa kanila kung nasaan ako para alam nila kung saan ako hahanapin. Natapos ang araw ko na excited para bukas. At syempre nag isip na din ako kung ano ang susuotin ko.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD