"Dito ka na kumain sa dining table. Naiipit 'yong tyan mo dyan, baka mapano si Baby." Napansin ni Kaiden na nahihirapang kumain si Dreams dahil nandoon lamang siya sa sofa't nasa lamesa naman 'yong plato niya. Kumakain sila ng umagahan at napilit niyang sumama si Dreams sa kanya kagabi na umuwi. Kahit na napauwi na niya ito, malamig pa rin ang pakikitungo ng babae sa kanya pero kahit na ganoon, ginagawa lahat ni Kaiden upang maibalik 'yong dating sila ni Dreams. Tahimik na sumunod si Dreams at kinuha ang kanyang plato saka tasa ng gatas papunta sa dining table na kinaroonan ni Kaiden. Ipinuwesto ni Kaiden 'yong frame sa may gilid upang may mapaglagyan si Dreams sa plato niya. Nang maupo na si Dreams sa tapat niya, tahimik lamang ito na nagpatuloy sa pag-kain. Nakayuko si Dreams at hind

