Chapter 48: What If?

1501 Words

"Paano kapag negative 'yon? Paano kapag hindi talaga ikaw 'yong tatay nong baby? Paano ka na?" Sunod-sunod na tanong ni Oheb sa kanyang kaibigan na si Kaiden nang malaman nilang tinanggihan niyang buksan o tanggapin 'yong paternity result na bigay ni Dra. Mia. Nalaman nila na sinamahan niya si Dreams na magpacheckup pati doon sa pangsasawalang bahala niya sa resulta nong pinakahihintay niyang paternity test. "Malakas ang kutob ko na akin 'yon, Heb." Walang alinlangan na sagot ni Kaiden at may pagmamayabang pa sa kanyang boses. Nagkatinginanang tatlo niyang kaibigan dahil sa kanyang isinagot. "E paano kapag hindi?" Usal ni Marco, nakataas kilay na animo'y kinukumbinsi si Kaiden na tignan ang resulta nong paternity test upang matahimik sila. Binato siya ni Kaiden ng nakarolyong tissue

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD