"What are we doing here?" Taas-kilay na tanong ni Kaiden nang papasok sila sa isang kilalang restaurant sa syudad na iyon. Wala siyang maalala na may okasyon silang kayang icelebrate nong araw na iyon na niyaya siyang lumabas ni Dreams. Saktuhan na day off nito at wala naman siyang gagawin sa unit niya, nagpatangay na lamang siya kay Dreams. Hindi alam ni Kaiden kung ano ang sumanib sa kanya na espiritu at napapayag siya ni Dreams na sumama. "Basta! Sumama ka na lang." Hinawakan ni Dreams ang kanyang palapulsuhan at hinila siya papasok sa restaurant. Pinagbuksan sila nong guard ng pinto at bumati pa. Tanging ngiti na lang ang naisagot ni Dreams samantalang walang ekspresyon ang mukha ni Kaiden na hinayaan niyang magpatangay kay Dreams. Dinala siya ng babae sa isang sulok, kung saan wala

