"Kahit laklakin mo lahat ng alak dito sa mundo, hindi ka non uuwian hangga't 'di mo susuyuin. Ikaw ang nagkasala kaya ikaw dapat ang gumawa ng paraan para magkabati kayo." Seryosong paso ni Edward sa kaibigan niyang problemado na si Kaiden nang palabas na sila ng ospital matapos ang kanilang training nong araw na 'yon. Hindi naiwasang magkwento ni Kaiden sa kanila tungkol sa nangyaring sagutan sa pagitan ng kanyang ina na si Doktora Katlyn at ng komprontasyon nila ni Dreams na naging dahilan upang maglayas ito sa kanyang unit. Ikatlong araw na 'yon na wala si Dreams sa unit niya at sobra na siyang nag-aalala sa lagay nito. Kaya humingi na siya ng advice sa kanyang mga kaibigan kung ano ang nararapat niyang gawin para mabalik si Dreams. "Sinubukan ko na siyang kontakin kaso cannot be re

