Inis na binalingan ng tingin si Psyche. “Hindi por que nakita mo, magco-conclude ka na agad.” Buwelta ni Samaria. Naigalaw ni Psyche ang kanyang bagang. Nakakaubos pala ng pasensya ang selos? “Then explain to me!” “Ayaw ko. Pinangunahan mo ‘ko, e. Hindi na!” “Kapag hindi mo ‘yon ginawa, paninindigan ko talaga ang nasa isip ko.” Inis na pinandilatan ni Samaria si Psyche. Parating ba ang dalaw ko? Ba’t parang ang sungit ko yata ngayon? Aniya sa isipan. “E, ano naman. Basta, wala akong ginagawang masama. Iyon na ‘yon.” “Sam!” gigil na suway ni Psyche. “Gusto mo talagang naiinis ako?” “Aba, malay ko. Hindi naman kita inaano diyan!” Akmang tatayo na si Samaria pero hinigit siya ng binata dahilan para mapaupo ito sa kanyang kandungan. Agad na napasinghap ang dalaga. “E, kun

