Akala ni Samaria, kapag na-suspend ang tatlong bruha, magkakaroon na siya ng kaunting peace of mind man lang. Kahit iyon lang sana ang hiling niya para hindi siya magka-wrinkles sa stress. Mukha pa lang kasi ni Stiffany, nasi-stress na siyang makita. Pero, kahit pala ganoon, gumagawa at gumagawa pa rin talaga ang tadhana para pagtagpuin ang landas nilang dalawa. May sa kampon ni satanas nga yata talaga ito kaya kahit anong pilit niyang ilayo ang sarili niya kay Stiffany, pinagtatagpo talaga silang dalawa, sa iba't ibang katauhan niya. She was about to leave the resturant na kinainan niya nang makabunggo niya ang isang babae na halos maghubad na sa suot nito. She examined the girl from head to toe at mukhang mas malaswa pa ito ng limang beses kung manamit kumpara sa kanya. Hindi si

