Tulala pa rin hanggang ngayon sina Isable, Yngrid at Lilian. Kailangan na yata nilang maglinis ng tenga dahil baka namali lang sila ng dinig. Namali nga lang ba talaga sila ng dinig? O, totoo lahat nang mga narinig nila? "Hindi ko pa rin talaga ma-absorb," ani Isabel habang nakatulala sa kawala. Para lumulutang silang tatlo na naglalakad pabalik sa site. "Ako rin, hindi ako makapaniwala. Kakabili ko lang ng bagong skin care na in-endorse ni Sammy, tapos. . ." ani Yngrid. "Hindi ito totoo, girls. Please, pakisampal naman ako," sagot naman ni Lilian. "Kapag sinampal kita, baka makalimutan mo ang pangalan mo." Si Isabel ang nasalita. "Tingin niyo ba, maniniwala sa 'tin si Stiffany?" "I doubt!" Binilisan na lang nila ang paglalakad kahit na hindi na sila umabot pa sa first activity. Ma

