Pauwi na si Demetre mula sa bahay nina Stiffany pero dumaan muna ito kila Samaria. Pero nang malapit na siya sa bahay nito ay natanaw niya na kabababa lang nito ng taxi at mukhang basang-basa pa. Agad niya itong binusinahan kaya napatigil si Samaria sa paglalakad. Nag-aalala at mabilis na bumaba si Deme. Ngayon ay pati siya basang-basa na rin dahil sa walang tigil na buhos ng ulan. "Maria! Ano ba itong ginagawa mo?!" Umiwas ng kanyang tingin ang dalaga habang impit na humihikbi. Pilit niyang gustong pigilan iyon pero nakisabay na yata ito sa buhos ng ulan. Buhos na buhos iyon. Kung gaano kabigat ang dalang ulan ng mga ulap, gano'n din kabigat ang nararamdaman ng puso niya Halos manlambot ang mga tuhod ni Deme nang marinig niyang umiiyak na naman ang babaeng mahal niya. It hurts him so

