Narinig ni Mrs. Sara ang komosyon sa labas kaya nakiusyoso ito at hindi niya akalain na makikita niya si Psyche sa labas. But she has no any other rights to push him away. "Psyche, enough." Pagdidiin nito. Halos mangiyak-ngiyak na si Psyche, His lips trembles at halatang nagpipigil lang ng luha. "T-Tita," nanginginig nitong sambit. "My daughter need some peace of mind, Psyche. At hindi ikaw ang makapagbibigay no'n sa kanya ngayon. Just let her be kung saan siya pupunta. After all, ginawa naman niya ang lahat. Hindi ba? Ikaw ba? Did you at least try?" Tinamaan siya ng husto sa sinabi ng mommy ni Psyche. Masakit pero iyon ang totoo. Hinayaan niya ito. Nagpabulag siya sa galit niya. Nagpabulag siya sa selos. "Alam mo, boto naman talaga ako sa 'yo sa una pa lang. Pero, bakit napakaduw

