"Samaria!! Where the heck are you!! Come out?!!" histerikal na at nagsisisigaw si Stiffany. Wala siyang pakialam kahit na pinagtitinginan na siya ng mga tao sa backstage. Kunot noo lang ang mga ito at nagtataka. "Uy, nakita mo ba? Si Sammy, ang sikat na model ng Victorious ang representative ng group three! My gosh! I can't even blink my eyes a while ago nang rumampa na siya! Lalo na nang natanggal ang mermaid tail niya. Pasabog ba 'yon, o sadyang natanggal? Sh*t talaga! Sobrang ganda niya sa personal! Huhuh," chismis ng isang studyante isa sa katabi niyang babae. "Oo nga, girl at ang alam ko, iisa daw ang katauhan ni Sammy at Samaria. Iyong nerd na 'yon? Grabe! Can you even believe it? Kasi ako, mukhang hindi ako makakatulog! All a long, may model sa Fordswan University, tapos iyon pa

