Yakap agad ang binungad ni Samaria sa Mommy niya. Inaamin niya, kung mayroon man siyang kailangan ngayon, ang mommy niya iyon. Iyak lang siya nang iyak. Walang salitang lumalabas sa bibig niya. Sobrang bigat. Napakabilis ng mga pangyayari., Patuloy lang sa paghagod ng kanyang likod ang mommy niya. Minsan lang kung bumuhos ang luha ng anak niya and this time, alam na niyang seryoso ito. Madalas lang kasing magtampo at mag-inarte si Samaria, pero kapag humikbi na siya ay ibang usapan na iyon. Totoong masakit na ang dinadala niya, At bilang ina, nalulungkot siya dahil ito lang ang tangi niyang magagawa. Ang iparamdam kay Samaria na hindi ito nag-iisa. "Anak, just let it out. Mommy is here." Iyak lang nang iyak ang ginawa ni Samaria. All these times, hindi niya inasahan na aabot sa puntong

