Nagkakagulo na ang lahat. Hindi na magkandaugaga ang bawat grupo para ma-final touch ang ginawa nilang recycled gowns para sa contestants nila. Si Lilian naman, proud na proud sa gawa nila dahil nang isukat 'yon ni Samaria, fit na fit sa kanya. Hapit na hapit sa bewang niya. Napaka-sexy pa naman nito. "Amelie, sigurado ka bang mananalo tayo? E, nerd ang ilalaban natin, o?" bulong ng isang ka-grupo nilang lalaki sa leader na si Amelie. Napangisi si Amelie. Alam na kasi niya ang lahat. Bilang team leader nila, kailangan niya talagang malaman nang makampante naman siyang mananalo talaga sila. Kaya hindi na nagdalawang isip pa sina Lilian at Samaria. FLASH BACK Hinigit ni Lilian sa braso si Amelie, pumasok sila sa isang cubicle sa resort pero bago 'yon ay sinigurado muna nila na sila lang

