Seryoso lang na nag-drive si Stiffany papunta sa location na pinapupuntahan sa kanya ni Aphrotin. That girl always find ways. Basic lang sa kanya ang pagkalap ng impormasyon tungkol kay Stiffany. Alam na alam din niya kung paano itong mahihikayat na makipagkita sa kanya. Pagkarating niya sa cafe na nakasaad sa message na natanggap niya mula kay Aphrotin ay confident siyang pumasok. Taas-noo pa siyang naglakad papunta sa loob at mula sa malayo ay agad niyang natanaw ang dalagang modelo. She didn't smile. Hindi naman kasi siya sigurado kung ano ang pakay nito at nakipagkita ito sa kanya. "Hey." Iniangat ni Aphrotin ang kanyang noo to see Stiffany. "Oh, there you are. Come on, take a seat." Nakakunot-noo na napaupo si Stiffany. "Make things straight, Ms. Aphrotin. Hindi dahil model ka ay

