Habang nagmamaneho na pauwi ay napako ang mga tingin ni Deme sa passenger seat kung saan kanina naupo si Aphrotin. Napatigil ito nang makita ang puting pouch. Mukhang naiwan pa yata nito. Naisip niyang baka importante iyon at naglalaman ng mahahalagang bagay such as identification cards kaya habang hindi pa man siya nakakalayo ay agad siyang nag U-turn. "Hays." Aniya sa isipan. Imbes na uuwi na kasi siya ay babalik pa tuloy siya ng wala sa oras. Ayaw naman niya na ipagpabukas na naman dahil hindi naman niya ito masyadong gusto para kitain niya pa bukas. As much as possible, kailangan niya nang mag-focus ngayong semester nang makasunod na kay Samaria sa England. Nang makahinto sa tapat ng condo ng dalaga ay bigla siyang napaisip kung ano ba ang floor ng kuwarto nito at kung anong room nu

