Sa ginagawa ni Deme, mas lalo tuloy na nakukonsensya si Samaria sa lahat ng mga lihim niya. Simula umpisa, lahat ng tungkol sa kanila ni Psyche, nilihim niya iyon kay Deme. Mukhang ito na yata ang panahon para ipaalam niya sa binata ang lahat. Handa na siya sa kung ano mang sasabihin nito. Alam niyang sa balak niyang ito ay masasaktan na naman niya ang damdamin ng kaibigan niya, but it's now or never. Truth really hurts ika nga nila, but it will set her free. Isa pa, kailangan na niyang pakawalan din ito nang hindi na siya mabagabag pa. After class ay niyaya niya si Demetre sa vacant room na minsan na nilang naging tagpuan ni Psyche. Doon, tahimik at walang ibang tao. Pagpasok pa lang nila doon ay agad na nanariwa sa alaala ni Samaria ang mga nangyari sa kuwartong iyon sa pagitan nila ni

