Tumulong si Psyche buong oras sa Mommy ng dalaga sa pagluluto. Kaya buong magdamag rin itong nasa kusina. Kahit na habang nagluluto siya ay panay ang pasilip-silip niya sa dalawa na nasa sala at sila lang dalawa. Tuloy ay na-bo-bother siya. Hindi siya makapag-concentrate sa ginagawa nila ng Mommy ni Samaria. Good thing at timing ang dating niya. Hindi siya naghinayang na nandito siya ngayon dahil kung wala ay hindi niya sana alam na nandito si Demetre. Wala namang problema sa kanya noon na close na close ito kay Samaria lalo na at alam naman niya ang malalim na pagkakaibigan ng dalawa, pero kasi, minsan na nitong sinaktan ang babaeng mahal niya at mas lalo pa itong hindi nakatulog simula nang magtapat si Demetre sa kanya na gusto nito ang dalaga. Kahit naman hindi siya magtapat, halata na

