CANDELARIA’S POV SA isang sosyaling coffee shop kami somewhere in Makati nakipag-set ng meeting with Cheska Marie. Nang ibinigay ko kasi kay Robi kahapon `yong mga ibinigay ni Cheska Marie ay sinabi niya na gusto niyang ma-meet ang kanyang secretary. Ayoko nga sana kasi magkakaroon pa ng chance ang Cheska Marie na iyon na makita si Robi ko! Kinakabahan din ako kasi baka biglang may sabihin si Cheska Marie na ikakapahamak ko. Alam kasi ng bruha na bakla talaga si Robi tapos hindi ko pala nasabi sa kanya na may amnesia ang amo niya. Well, nakapag-practice na naman ako kagabi ng lies na hahabiin ko. Todo-practice talaga ako sa harap ng salamin sa pagsagot sa mga posibleng tanong na ibabato ni Robi at Cheska Marie. Mas nauna sa amin si Cheska Marie sa meeting place. Nakaupo na siya doon ha

