Nagpabalik-balik si Steve sa paglalakad sa kanyang kwarto habang pinapanood siya ng tatlo niyang kaibigan na nakaupo ngayon sa sofa na nasa kwarto ni Steve. "Pre, huminahon ka" seryosong sabi sa kanya ni Rj dahilan kung bakit nabaling ang tingin ni Steve sa kanya. "Ano ba kasi ang sinabi mo sa kanya para umalis siya?" tanong naman ni Leon na kinabuntong hininga ni Steve at tumigil sa paglalakad. Umupo siya sa kama niya pagkatapos ay hinilot ang ulo niya. "Sinabi kong umalis siya kapag hindi niya pinaliwanag ang ginawa niya kay Letchiel at sinabi ko din na hindi ko na siya matutulungan" amin ni Steve pagkatapos ay napahilamos sa mukha. Napabuntong hininga naman ang tatlo sa kanya. "Hindi ba siya nagpaliwanag?" tanong ni Jake. Natigilan si Steve nang maalala na ilang beses niyang pinuto

