Nakatingin sa malayo si Lucy habang nakataas ang kilay niya at naka cross arms. "Landi pa more" bulong niya habang pinapanood sina Letchiel at Steve na nasa gilid ng pool habang nagsusubuan. "Ito pa Steve, say ahh" malanding sabi ni Letchiel na ngayon ay pilit na sinusubuan si Steve. Napilitang ngumanga ulit si Steve dahil kapag hindi niya sinubo ang pagkain na inalok ni Letchiel ay magtatampo na naman siya at magwawala. "Stop it. I'm alreadry full" seryosong sabi ni Steve at nagpasalamat siya nang tumango ang dalaga. "Okay, ligo tayo" naningkit na ang mga mata ni Lucy nang marinig ang sinabi ni Letchiel. Malayo siya sa kanila pero rinig pa 'rin niya ang pinag-uusapan ng dalawa kaya kanina pa siya bumubulong na mag-isa. "Subukan mo lang pumayag" mahinang sabi niya at natigilan siya

