"Lucianna" Nilibot ni Lucy ang tingin niya sa paligid para hanapin kung saan nanggaling ang narinig niyang boses pero wala siyang nakitang tao na malapit sa kanya. Lahat abala ang mga katulong sa kanilang gawain dahil may paparating na bisita sa mansyon. "Lucianna" Tuluyang napakunot ng noo si Lucy at muling nilibot ang tingin pero tulad kanina ay wala siyang napansin na ibang tao sa pwesto niya. "Lucianna, A-anak" Biglang napahilot sa ulo si Lucy nang maramdaman niyang nanakit ito. "A-anong n-nangyayari?" takang tanong niya at pilit na kinakalma ang sarili niya nang maramdaman 'din niyang may kung anong tumibok sa bandang dibdib niya. "Gumising ka na anak" Napaupo na si Lucy dahil sa p*******t na nararamdaman niya at paulit ulit na may naririnig na boses sa kanyang isipan. 'Lucian

