Mabilis na pumunta sa library ng mansyon si Lucy. Naabutan niya si Steve na nakatayo malapit sa lamesa habang hawak niya ang isang flashlight.
Napatigil siya sa paglalakad at pinagmasdan ang seryosong mukha ni Steve. Hindi parin siya makapaniwala na pumayag ang lalaki na tulungan siya. Hanggang ngayon ay hindi parin niya mapigilan na makaramdam ng saya kahit na alam niyang hindi naman siya nakakaramdam dahil isa siyang multo. Hindi man siya nakakaramdam pero alam niyang masaya siya. Masaya siya dahil sa tatlong buwan na lumipas ay ngayon lamang siya napansin ng tao. Nakita na din siya ng tao at nakausap pa niya ito. Nagpapasalamat siya dahil dumating ang taong katulad ni Steve.
"Hey!" napaiwas ng tingin si Lucy nang lumapit sa kanya si Steve. Hindi niya napansin na masyado na palang lumalim ang iniisip niya habang nakatingin siya dito.
"Tinitingin mo?" ngising tanong ni Steve na kinairap ni Lucy. Alam na ni Lucy ang ibig sabihin ng ngisi niya. Sa dalawang araw na nakasama niya ang lalaki ay dahan-dahan niyang nakikilala ang ugali nito. Napaka sumpungin. Pa-iba iba ng mood. Minsan ay nagsusungit pagkatapos ay biglang mang-aasar. May mga time na hindi siya kumikibo at napakaseryoso niya. Lahat ng ito ay nasilayan ni Lucy kaya hindi parin siya makapaniwala na natiis niya ang ugali ni Steve sa dalawang araw.
"Alisin mo yang ngisi mo sa mukha. Mali ka ng iniisip" taray niyang sabi at inagaw niya ang hawak niyang flashlight.
"Sus. Aminin mo na kasi na nag-gwapuhan ka saakin" nakangising sabi ni Steve na kinataas ng kilay ni Lucy. Ang yabang!
"Sinong may sabing gwapo ka? Mukha kana ngang nerd sa antipara mo!" sabi niya at umatras palayo kay Steve. Pumunta siya sa likuran ng isa sa mga bookshelf at hinanap ang switch ng ilaw.
"Nandito" turo ni Steve sa switch na kinairap sa kanya ni Lucy. Lumapit siya dito at sinubukan na patayin ang ilaw pagkatapos ay binuksan niya ang hawak niyang flashlight. "Bah!" panakot niya kay Steve na kinailing lang ng binata.
Mabilis na binuksan ni Steve ang ilaw kaya pinatay na ni Lucy ang flashlight.
"KJ mo" nakasimangot niyang sabi na kinangisi lang ni Steve. Muli na namang natigilan si Lucy at napatitig sa mukha ng binata.
'Bakit ang gwapo ng lalaking to?'
"Ayan ka na naman. Iisipin ko na talaga na may gusto ka na saakin" nakangising sabi niya dahilan kung bakit natauhan si Lucy at mabilis na pinalo si Steve sa braso niya.
"W-What the?" sabay silang natigilan nang hindi tumagos ang kamay ni Lucy sa kanya.
Nakatingin na silang dalawa sa kamay ni Lucy na nanatiling nasa braso niya.
"H-How?" gulat na tanong ni Steve at sinubukan na hawakan si Lucy pero mabilis din siyang napaiwas nang marinig niya ang boses sa labas ng library nila.
"Sir Steve, papasok na po ang mga tutor niyo" sabi ng isa sa mga katulong dahilan kung bakit naitago agad ni Lucy ang hawak niyang flashlight sa likuran ng mga libro at pumwesto sa gilid ng isang bookshelf malapit sa switch ng ilaw.
Tumikhim si Steve bago nagsalita. "Sige. Papasukin mo"
"Good morning Mr.Steve" bati sa kanya ng tatlong tutor niya. Tumango si Steve sa kanila at seryosong umupo. Ginaya naman siya ng tatlo.
Tulad ng dati ay napalitan na naman ang kanyang mga tutor sa kadahilan na palagi itong pinapalitan ng Lolo niya every three months.
Nagsimula na sila sa pagturo kay Steve hanggang sa sinimulan na 'din ni Lucy ang kanyang plano.
"Awooooo!"
Napatigil sa pagsasalita ang isa sa mga tutor niya nang marinig nila ang mahinang ungol. Nilibot nila ang tingin sa paligid pero wala silang nakitang ibang tao.
Napalunok ng laway ang isa sa kanila at binaling ang tingin kay Steve na ngayon ay seryosong nagbabasa sa kanyang hawak na libro.
Tumango ang kasama niya sa kanya na magpatuloy sa kanyang sinasabi.
"So.. As I was saying---"
"HAHAHAHAHA"
Muli siyang napatigil sa pagsasalita nang marinig ang nakakakilabot na tawa.
Pinagpapawisan na silang nilibot ang tingin nila sa loob ng library.
"Anong problema?" seryosong tanong sa kanila ni Steve nang hindi na sila kumikibo at patuloy nilang nililibot ang tingin nila.
"W-Wala" utal na sagot ng isa sa kanila na kinatango ni Steve at binalik ang pagbabasa sa hawak niyang libro.
Kagat niya ang ibabang labi niya habang pinipigilan na hindi matawa sa reaksyon ng tatlong tutor niya.
"Diyos ko po!"
Tuluyan silang nataranta nang mamatay ang ilaw pagkatapos ay bumalik 'din ito.
Kulang nalang ay masugatan ang labi ni Steve dahil sa pagpipigil na tumawa.
Hinawakan niya ng mahigpit ang libro nang magpatay-sindi na ang ilaw at ilang mura na ang nailabas ng tatlo.
"Sa ngalan ng ama-Ahh!"
Sabay sabay silang napatayo sa pagkakaupo at nag-unahan sa pagtakbo nang magpakita si Lucy habang may hawak siyang flashlight. Hindi nila nakikita si Lucy pero kitang kita nila kung paano lumutang ang flashlight habang bukas ito.
Tuluyang tumawa si Steve nang makalabas ang tatlo. Agad namang binuksan ni Lucy ang ilaw at binaba ang hawak niyang flashlight.
"Galing ko noh?" sabay kindat ni Lucy kay Steve na kinatikhim naman niya at tumigil sa pagtawa.
Lumabas ng library si Steve para puntahan ang tatlong tutor niya.
"Aalis na kami!" malakas na sabi ng isa sa kanila kay Leon.
"Ha? Bakit? Anong problema?" tanong sa kanila ni Leon habang magkasalubong ang kilay niya.
"May multo sa library! Hindi na kami magtuturo dito!" sabi pa ng isa at mabilis na inayos ang gamit na dala niya.
"Multo? Anong multo? Teka lang pag-usapan natin ito" mabilis na pinigilan ni Rj ang tatlo nang humakbang sila palabas ng mansyon.
"No! Aalis na kami" namumutlang sabi ng isa sa kanila at tuluyan silang lumabas sa mansyon.
Napahilot sa ulo si Leon habang si Rj naman ay nakapamewang.
"Hahaha"
Sabay na nabaling ang tingin nila kay Steve na ngayon ay nasa tabi na nila.
"Sabihin mo Steve. Ikaw ba ang nanakot sa kanila?" seryosong tanong ni Leon sa kanya.
Napatigil sa pagtawa si Steve at mabilis na umiling kay Leon.
"Bakit ko naman gagawin 'yon?" seryosong balik na tanong niya na kinailing sa kanya ni Leon at tinalikuran siya para sabihin sa Lolo niya ang nangyari.
++
Nagpaulit-ulit ang nangyari. Palaging tinatakot ni Lucy ang mga tutor na dumadating hanggang sa sila na mismo ang sumuko at tinanggi ang offer sa kanila ng Lolo ni Steve na dodoblehin ang sweldo nila basta lang may magturo kay Steve.
Kumalat sa labas ng mansyon na mayroon ngang multo sa mansyon ng Loiven dahilan kung bakit mas lalong natakot ang mga bisita nila na pumasok sa kanilang mansyon.
"Steve, pinapatawag ka ng Lolo mo" tawag sa kanya ni Jake sa labas ng pintuan ng kwarto niya.
Nagkatinginan sila ni Lucy pagkatapos ay tumango ang dalaga na lumabas na siya at 'wag siyang kabahan.
Tatlong linggo na siyang hindi pinapatawag ng kanyang Lolo kaya hindi niya mapigilan na hindi kabahan lalo na hindi pa siya kinakausap ng Lolo niya sa nangyayari sa loob ng kanilang mansyon.
"Lolo?" kumatok siya sa pintuan ng opisina ng Lolo niya sa mansyon nila.
"Pasok" napalunok ng laway si Steve bago pumasok sa loob.
Nakita niyang nakaupo ang Lolo niya sa harapan habang seryoso niyang binabasa ang hawak niyang mga papeles.
"Sit down" aniya at mabilis namang umupo si Steve.
"Here" inabot ng Lolo niya ang isang envelope na nasa mesa kay Steve.
Agad naman itong kinuha ni Steve at binuksan para makita ang laman.
Isang student I.D, class schedule at iba pang papeles na may kinalaman sa paaralan.
"Anong ibig sabihin nito Lolo?" gulat na tanong ni Steve.
Alam na niya ang sagot pero tinanong parin niya ito dahil hindi siya makapaniwala na agad niyang mababago ang isipan ng Lolo niya.
"Makakabalik ka na sa paaralan. Goodluck"
++
Mabilis ang mga hakbang ni Steve pabalik sa kanyang kwarto habang dala ang envelope na binigay ng kanyang Lolo.
"Oh? Ang bilis mo naman yata?" nakataas na kilay na tanong sa kanya ni Lucy.
"Thank you Lucy!"
Sa hindi malamang dahilan ni Steve ay nakalimutan niyang isang multo ang kasama niya kaya agad niya siyang niyakap na sabay 'din nilang kinabigla.
Sa pangatlong beses ay hindi tumagos ang katawan ni Steve kay Lucy at naramdaman niya ang malamig niyang katawan.
"B-bakit nahahawakan mo ako?"