Napatigil si Lucy sa paglilibot sa fountain nang matanaw niya ang isang lalaki sa likuran ni Steve. May malawak itong ngisi sa kanyang mukha habang may hawak na kutsilyo. Tinawag ni Lucy si Steve ngunit hindi 'to narinig ng binata kaya sinubukan niyang maglakad palapit sa kanya ngunit hindi siya makaalis sa kanyang kinatatayuan. "Anong nangyayari?!" kabang tanong niya at muling sinubukan na i-hakbang ang mga paa niya ngunit para itong nakaglue na nakadikit ang mga paa niya sa puwestong kinatatayuan niya. "Oh! s**t!" "Steve!" muli niyang sinubukan na tawagin si Steve nang tuluyang nakalapit sa kanya ang lalaki. Nakuha na ni Steve ang pansin niya ngunit huli na ang lahat nang saksaksin siya ng lalaki sa kanyang t'yan gamit ang hawak niyang kutsilyo. "STEVE!" malakas na tawag ni Lucy sa

