"Babe, paalis nga pala ako next week," sabi ni Axel habang nakatutok sa laptop niya. Natigilan ako sa paglalagay ng french fries sa plato at napatingin ako sa kanya. Dumaan muna kami sa drive thru kanina bago kami umuwi. Nag-dinner naman kami pero kahapon pa ako nag-crave ng fries kaya nakisuyo ako na bumili kami. Plano rin kasi namin manood ng movie kaya tamang-tama lang. Naka-schedule ako na matulog ngayon dito sa bahay niya dahil wala naman pasok bukas. Mula noong gabi natulog ako dito may mga weekend na dito na ako natutulog lalo na kung wala siyang meeting ng weekend. May mga gamit na rin naman ako rito kaya hindi ko na kailangan magdala pa. Ito na lang kasi ang araw o oras na pwede kaming magkasama dahil lagi siyang busy at naiintindihan ko kung bakit. Minsan late na matapos ang mga

