"Babe, may problema ba?" narinig ko na tanong ni Axel at napatingin ako sa kanya. Sinundo namin si Axel sa airport at on the way na kami ngayon papunta sa probinsya. Sinabi ko sa kanya na kahit bukas na na lang para makapagpahinga siya o sa ibang araw. Kung tutuusin ay pwede naman na hindi siya sumama kasi nakausap ko na si Papa kahapon at sabi niya na okay lang. Nagulat ako kanina paglabas ko sa office ng tawagan ako ni Mr. Jay at sinabi na susunduin na namin si Axel sa airport. Dumaan muna kami sa bahay para kunin ang gamit ko para diretso na ako sa terminal mamaya. Nagulat talaga ako dahil buong akala ko ay matatagalan pa siya umuwi. Noong huli kami nag-usap Wala siyang nabanggit na uuuwi na siya at ang pagka-intindi ko pa nga ay nagkaproblema sila. "Don't tell me Babe nagtatampo ka p

