Natapos ang awarding ng foundation day namin at overall champion ang section nila Chase at pangatlo lamang kami. Ayos na rin. Sumali naman yata kami para magsaya at hindi ang makipag kompitensya. Ilang araw na rin ang lumipas at wala pa ring paramdam si Chase simula ng gabing 'yon. Hindi ko rin alam kung bakit bigla akong napag-iwanan. Did I really let my guards down? "Anong mukha 'yan, Princess?" "Ew, yuck! How many times do I have to tell you that I am not a princess! Kuya Gray naman!" Nandito ako ngayon sa bahay nila Tita Sandra. Pangalawang kapatid ni Mama. Si Mama kasi ang panganay, sunod si Tita Sandra, pangatlo si Tito Zandy, pang-apat si Tita Riel. Apat silang magkakapatid. Si Papa naman, only child. "Why? Princess ka naman namin ah?" nangungulit na sambit ni Kuya Gray. Ako l

