Mundo (slowed+reverbed) Time check, it's already 3:51 am. We are currently having a long drive because we are on our way to their rest house at Tagaytay. Alam kong biglaan pero ayos lang. Ayos lang as long as I feel safe. Having Chase by my side is pure safety. Maluwag ang mga kalsada dahil kasagsagan ng madaling araw. Konting mga bus at truck lamang ang nakikita ko ngayon sa mga daan. Sinasalubong namin ang mahahabang daan kasabay ng pagsalubong sa amin ng malamig na hangin. Tanging ingay lamang mula sa radyo ang pumupuno ngayon sa loob ng sasakyan dahil walang nagsasalita sa aming dalawa. Aking sinta~ Ikaw na ang tahanan at mundo~ Si Chase ay tahimik na nagmamaneho at ako naman ay nakatingin sa labas ng bintana. Pinagmamasdan ang mga ilaw mula sa mga nagtataasang gusali na isa sa m

