"Tatianaaa! May sundooo kaaa!" Naalimpungatan ako sa lakas ng sigaw ni Angela. I checked my phone and it's just 5:30 in the morning. Medyo umuulan pa. "Anong sundo ba sinasabi mo? Wala tayong driver gaga," pagbulyaw ko sa kaniya. "Si Chase! Nasa baba! Hinihintay ka!" Agad akong napabalikwas sa pagkakahiga nang marinig ko ang pangalan ng depungal na si Chase Maiko at naghihintay sa baba. Agad akong tumakbo pababa sa sala namin at naabutan ang prenteng-prenteng pagkakaupo ni Chase sa sofa namin habang naka de-kwatro pa. Napaka talaga. "What are you doing here? Ang aga-aga mang-iinis ka na naman," mahina ngunit may diin na sambit ko sa kaniya. Hindi siya nakasagot agad at pinagmasdan muna ang kalagayan ko. Mula paa hanggang ulo. Ulo hanggang paa. Kitang-kita ang pagmamasid niya sa 'kin.

