"Sana masaya ka. Gusto ko masaya ka." Bobo ba 'to? Anong sinasabi nitong aning na 'to? Alam niya ba na hindi ako para sa mga ganitong drama? "Pinagsasabi mo diyan? Baliw ka ba?" "Ang slow mo naman, Tatiana! Ang ibig sabihin ko, sana masaya ka lagi dahil ayokong nakikita 'yang mukha mo na akala mo binagsakan ng langit at lupa. Kapag nakasimangot ka'y para kang mangangagat na ewan," pagpapaliwanag ni Caylus. "Dami mo namang sinabi. Dalawa lang naman tanong ko. Malinis ba 'to?" Pagtatanong ko sa pagkain na binili ni Caylus para sa aming dalawa. "Oo naman! Arte nito! Akala mo talaga! Rich kid ka, teh?" Minsan naiisip ko kung ganito ba talaga siya, or kulang ba siya sa alaga. "May parents ka pa ba?" Pagtatanong ko. "Malamang. Bakit mo natanong?" "Mukha kang kulang sa aruga, e." "Tsk,

