Magmula nang tinanong ni Chase ang bagay na iyon, hindi na nawala sa isipan ko kung bakit at saan niya nakuha ang tanong niya. Bakit ko naman ipapaalala sa kaniya kung sino ako hindi ba? It's not like he has an amnesia or something. "Tatiana! Are you ready? Kanina ka pa nandiyan sa taas!" "Yep! Coming!" Aalis ako kasama ang parents ko ngayong araw. Tuloy ang bakasyon namin sa LU kaya naman maaga akong nagising. Ang expected ko ay sa US kami magbabakasyon dahil may bahay naman kami roon. Sayang lang dahil hindi natuloy sa kung anong hindi ko alam na kadahilanan. Nagpaalam na lamang ako kay Angela through text dahil busy rin iyon sa kaniyang bakasyon. Si Chase naman, nagsama kami buong araw kahapon dahil hindi namin alam pareho kung kailan muling mababakante ang oras namin. Nang matapo

