Pagpasok na pagpasok ko sa loob ng main building, pinagtinginan agad ako ng mga estudyante na nasa hallway. Lahat sila ay pinagbubulungan ako. Malamang ay alam na nila ang nangyari sa relasyon namin ni Chase. "Just don't mind them, Tati. Ganiyan talaga mga tao kapag inaabangan bawat ganap sa buhay mo," sambit ni Angela sa tabi ko habang sinasamaan niya ng tingin ang mga estudyante sa paligid namin. Nagpatuloy lamang ako sa paglalakad at hinahayaan silang lahat. Ubos na ang enerhiya ko para patulan pa ang mga walang kwentang bagay. Masasayang lang oras ko. Bago pa ako makapasok sa classroom, napahinto ako nang makita ko si Breanne. Nang magtapos ang sa amin ni Chase ay wala na rin akong balita sa ka niya. Hindi rin siya sumasagot sa mga text at tawag ko. She even unfollowed me on my soci

