Vena's POV "Damn it! Damn it!" malakas na sigaw ni Yeena mula sa likuran ko. Nasa hideout kami ngayon ni Valencia, pinag-pasyahan na namin na lusubin ang kampon niya bago pa ito makapinsala sa amin. Simula pa lang talaga plano na namin siyang pabagsakin. Hindi lang namin magawa-gawa agad dahil may mga pamilya kaming binabantayan at pino-protektahan. Alam ko namang kaya na ng mga asawa namin ang misyon na 'to but kaya rin naman namin. We will fight to death no matter what. "How about we track his location?" suhesyon ni Yeena. "You think it will work?" tanong ko pabalik habang pinapanood ang mga tauhan ni Valencia. Kanina pa sila umiikot sa loob ng hideout nila pero hindi man lang nila makita ang hinahanap. Wala akong ideya kung ano man iyon or kung meron man. Andito kami para patayin s

