Cont... "You aren't lying?" tanong ni Triton habang nakakunot na naman ang noo. Kanina pa ako naiirita dito sa kinauupuan ko. Imbes na magalit ako at maawa sa kalagayan niya parang bumaliktad pa yata ang nararamdaman ko ngayon. Mas pipiliin ko pa ang cold na Triton kaysa dito sa isip bata na 'to, kanina pa ako nagtitimpi dito. Miski si Butler Kino ay gusto na ring umatras pero pinapagalitan naman ni Triton kapag gagalaw ito. Plano nga sana naming sabihin kay Triton na ako ito ang dating asawa niya pero sigurado akong hindi siya maniniwala dahil hindi niya ako kilala. Malamang malalaki na kami eh. Tingin niya rin sa sarili niya 10 years old, matanda na daw ako, punyeta! Ano tingin niya sa sarili niya bata pa?! Kanina pa talaga ako napipikon sa Triton na ito eh, paano ko aalagaan ang mukon

